codetomake.com

Ayusin ang mga problema sa pag-sign in - Chromebook Tulong

2024.10.31 21:53



Lumaktaw sa pangunahing content Chromebook Tulong Mag-sign in Tulong ng Google Help Center Chromebook Patakaran sa Privacy Mga Tuntunin sa Serbisyo Magsumite ng feedback Magpadala ng feedback tungkol sa Content at impormasyong ito ng tulong Pangkalahatang karanasan sa Help Center Susunod Chromebook Forum sa tulong Forum Mag-sign in Ayusin ang mga problema sa pag-sign in

Ayusin ang mga problema sa pag-sign in

Kung hindi ka makapag-sign in sa iyong Chromebook gamit ang Google Account mo, subukan ang mga hakbang sa ibaba.

Ayusin ang mga problema sa email o password

Piliin ang mensahe ng error na lalabas:

“Hindi mahanap ang iyong Google Account"

Mahalaga:

Tiyaking ilalagay mo ang tamang username at password para sa iyong Google Account. Tiyaking nakakonekta ang iyong Chromebook sa internet na may malakas na koneksyon. Kung hindi ka gumagamit ng @gmail.com na email address, ilagay ang iyong buong email address bilang username. Halimbawa, [email protected].

Kung nalimutan mo ang iyong username o password, puwede mong ma-recover ang impormasyon ng account mo. Kailangang alam mo ang:

Numero ng telepono o email address sa pag-recover para sa account. Buong pangalan sa iyong account.

Para ma-recover ang iyong account:

Pumunta sa accounts.google.com/signin/recovery . Sundin ang mga tagubilin para makumpirmang account mo ito. Suriin ang listahan ng mga username na tumutugma sa iyong account. “Nakalimutan ang iyong password” Pumunta sa accounts/google.com/signin/recovery . Suriin ang ilang tanong para makumpirmang account mo ito. Sagutin ang mga tanong sa abot ng iyong makakaya. Kung nagkakaproblema ka, subukan ang mga tip para makumpleto ang mga hakbang sa pag-recover ng account . I-reset ang iyong password kapag na-prompt. Pumili ng malakas na password na hindi mo pa nagagamit sa account na ito. Alamin kung paano gumawa ng malakas na password . Tip: Kung pinalitan mo ang iyong password kamakailan, subukang mag-sign in gamit ang iyong dating password. "Hindi ma-verify ang iyong username o password sa kasalukuyang network na ito" Nangangahulugan ang mensaheng ito na walang malakas na koneksyon ng Wi-Fi ang iyong Chromebook. Subukan ang mga opsyong ito: Subukang ayusin ang mga problema sa iyong koneksyon . Kumonekta sa ibang Wi-Fi network, pagkatapos ay mag-sign in gamit ang iyong Google Account. "Posibleng na-delete o na-disable ang iyong account" Kakailanganin mong gumamit ng isa pang account para makapag-sign in sa iyong Chromebook. Alamin kung bakit posibleng na-disable ang account mo.

Humingi ng pahintulot na mag-sign in

Kung matatanggap mo ang mensahe ng error na, "Paumanhin, wala kang pahintulot na mag-sign in," hilingin sa may-ari ng Chromebook na bigyan ka ng pahintulot na mag-sign in. O kaya, puwede kang mag-browse bilang bisita .

Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan, hilingin sa administrator mo na bigyan ka ng pahintulot na mag-sign in.

Tip: Alamin kung paano hanapin ang may-ari ng isang Chromebook .

I-activate ang iyong network

Kung makukuha mo ang mensahe ng error na, "Bago mag-sign in, magsimula ng Session ng bisita para ma-activate ang network," subukang kumonekta sa isang Wi-Fi network bago ka makapag-sign in:

Mag-sign out kung hindi ka pa nakakapag-sign out sa iyong Chromebook. Sa screen sa pag-sign in, piliin ang Mag-browse bilang Bisita . Para kumonekta sa isang network, sundin ang mga hakbang na nasa screen.

Kung lalabas ulit ang mensahe ng error, subukang kumonekta sa ibang network.

Humingi pa ng tulong

Kung hindi naayos ng mga hakbang sa itaas ang iyong isyu, subukan ang mga hakbang na ito sa pag-troubleshoot .

Kung nakalimutan mo ang iyong username o password, pumunta sa accounts.google.com/signin/recovery .

Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan, makipag-ugnayan sa administrator mo para sa higit pang tulong.

Mga kaugnay na resource

Pamahalaan ang Mga Google Account sa iyong Chromebook Mag-sign out o i-off ang iyong Chromebook Paano i-recover ang iyong Google Account o Gmail

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Mag-post sa komunidad ng tulong Makakuha ng mga sagot mula sa mga miyembro ng komunidad true

Mag-sign in

1 sa 6 Magdagdag ng tao sa iyong Chromebook 2 sa 6 Gumamit ng Chromebook bilang bisita 3 sa 6 I-lock o i-unlock ang iyong screen 4 sa 6 Mag-sign out o i-off ang iyong Chromebook 5 sa 6 Ayusin ang mga problema sa pag-sign in 6 sa 6 Pamahalaan ang Mga Google Account sa iyong Chromebook ©2024 Google Patakaran sa Privacy Mga Tuntunin sa Serbisyo I-enable ang Dark Mode Magpadala ng feedback tungkol sa Content at impormasyong ito ng tulong Pangkalahatang karanasan sa Help Center Search I-clear ang paghahanap Isara ang paghahanap Mga app ng Google Pangunahing menu 15010563940449427781 true Maghanap sa Help Center true true true true true 208 false false